Home

Advertisement

Customize

Previous 20

Jun. 13th, 2007

water lilies

WELCOME TO THE CIM HERBAL MEDICINE GARDEN OF DLS-HSC RESEARCH SERVICES

       

MGA HALAMANG GAMOT 
sa HARDIN NG CIM

We are building our database on Philippine medicinal plants . We are initially focusing on the 80+ medicinal plant species in the DLS-HSC Research Services Herbal Garden being maintained by the Center for Complementary and Integrative Medicine (CIM), which includes the 10 Medicinal Plants endorsed by the Department of Health - Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC). It is our aim to include a listing of  all Philippine and foreign scientific and folk literature on Philippine medicinal and aromatic plants, including related websites maintained by other institutions and individuals (Stuartxchange 1 ). You can visit our garden for a look at the medicinal plants listed below. We also highly recommend the website of Stuarxchange.org which has an extensive  portion on Philippine Herbal Medicinal Plants).

Click here to go back to the KAGINHAWAHAN Home Page of the Center for Complementary and Integrative Medicine of DLS-HSC Research Services.

 

Jun. 12th, 2007

water lilies

ESSENTIAL OILS FOR AROMATHERAPY AND MASSAGE

PHILIPPINE PLANTS WITH   ESSENTIAL OILS FOR AROMATHERAPY AND MASSAGE (NEW)
                                                                      
ILANG-ILANG
(Cangana odorata)


(From StuartXchange.com)
Parts used: Flowers.
The oil is distilled from freshly harvested flowers.

Uses:
Folkloric
Oil Used for a variety of infectious and skin diseases, acne and scalp conditions.
Sedative and antidepressant.
Reduces sebum in oily skin.
Use for insect bite.
Thought to decrease blood pressure.
Others:
Oil is used as a fragrance for cosmetics (1% in perfumes), soaps and hair preparations. Oil also used as flavoring agent in foods and beverages. Also regarded as an aphrodisiac. In some Asian countries, the flowers are laid out in matrimonial beds.
    It is also used for aromatherapy massage.

SEE LINK: PHILIPPINE PLANTS WITH ESSENTIAL OILS FOR AROMATHERAPY AND MASSAGE
( Link under construction. )

water lilies

TEN MEDICINAL PLANTS ENDORSED BY THE DEPARTMENT OF HEALTH

Below is the listing of ten medicinal plants endorsed by the Department of Health - Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care based on pre-clinical and clinical studies done by Filipino medical scientists and physicians during the past several years. Many other common names exist for many of these plants.



10 Medicinal Plants Endorsed by the Philippine's Department of Health (DOH) based on local studies


 
       1.        Lagundi (Vitex negundo L.)
       2.        Yerba Buena (Mentha x cordifolia Opiz ex Fresen)
       3.        Sambong (Blumea balsamifera (L.) DC.)
       4.        Tsaang Gubat (Ehretia microphylla Lam.)
       5.        Niyug-Niyogan (Quisqualis indica L.)
       6.        Bayabas (Psidium guajava L.)
       7.        Akapulko (Cassia alata L.)
       8.        Ulasimang Bato (Peperomia pellucida)
       9.    Bawang (Allium sativum)
       10.  AMpalaya (Momordica charantia)


Jun. 10th, 2007

water lilies

AMPALAYA (Momordica charantia)



(See Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:

AMPALAYA (Momordica charantia)

 

amargoso (Sp.); margoso, ampalaya (Tag.); apalia (Pamp.); apape (Ibn.); apapet (Itn.); palia (Bis., Bin., If.); paria (Bis., Ban., If., Ik.); pubia (Sub.); suligum (sul.); balsam apple, balsam pear, bitter gourd (Engl.)

 

 

PARA SA:

 

          diabetes mellitus (mild non-insulin dependent)

 

 

PAGKILALA:

 

-                     baging ng namumulaklak at namumunga

-                     bunga at dahon ay kinakain na gulay

 

PAGTATANIM:

 

-                     itanim ang mga magugulang na buto

-                     alalayan sa pag-usbong ng mga tukod

 

PAG-AANI:

 

-                     anihin lamang ang mga murang dahon

-                     tiyaking malinis ang mga dahon

 

PAGHAHANDA:

 

-                     hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin

-                     magsukat ng 1 basong dahon at 2 basong tubig

-                     pakuluan sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

 

PAGGAMIT:

 

-                     uminom ng 1/3 baso 3 beses maghapon 30 minuto bago kumain

-                     ang murang dahon ay maaaring pasingawan at kainin (1/2 baso 2 beses maghapon)


water lilies

AKAPULKO (Cassua alata L.)

 

(See also Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:

AKAPULKO (Cassia alata L.)

 

bayabas-bayabasan, kapurko, katanda, katandang aso, pakogonkon, sonting (Tag.); andadasi, andadasi-a-dakdakel, andadasi-bugbugtong (Ilk.); adadisi (Ting.); ancharasi (Ig.); andalan (Sul.); bayabasin, bikas-bikas (Bik., Tag., Bis.); pakayomkom kastila (Pamp.); ringworm bush or shrub (Engl.)

 

 

PARA SA:

 

          a-an, buni, alipunga, galis-aso

 

 

PAGKILALA:

 

-                     palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro o higit pa

-                     may bulaklak na kulay dilaw na matatagpuan sa dulo ng mga sanga

-                     mga buto ay maliit at nakalagay sa isang mahabang sisidlan

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga pinutol na taad (stem cuttings) na may sukat na 20 sentimetro at may 2-3 buko

-                     mga buto

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon

 

 

 

PAGHAHANDA:

 

-                     magdikdik ng sapat na dami ng sariwang dahon

 

 

 

PAALALA: 

Para sa mga taong may allergy sa sariwang dahon ng akapulko, 
gawin itong dekoksyon:

-                     magpakulo ng 1 basong tinadtad na dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto o hanggang maging 1 baso na lamang

-              ihugas ito sa apektadong balat 1-2 beses maghapon

 

    
  
(Source: Gabay sa Paggamit ng 10 Halamang Gamot, Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care/ PITAHC ,  Department of Health.)

Jun. 9th, 2007

water lilies

BAWANG (Allium sativum)

(Picture source, see also: Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:

BAWANG (Allium sativum)

ajos (Span., Bis.); garlic (Engl.)

 

 

PARA SA:

 

          Pampababa ng kolesterol

 

 

PAGKILALA:

 

-                     butil ng ginagamit na pampalasa

-                     pahaba ang dahon at namumulaklak

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga butil

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     karaniwang inaani tuwing Pebrero at Marso

-                     iimbak sa isang lugar na tuyo at nahahanginan upang hindi mabulok at kainin ng mga peste

 

PAGHAHANDA:

 

-                     igisa (konti o walang mantika)

-                     iihaw

-                     ibabad sa suka sa loob ng 30 minuto o kaya’s banlian ng pinakulong tubig hanggang 5 minuto

 

PAGGAMIT:

 

            -           kumain ng 2 butil 3 beses isang araw pagkatapos kumain

 

 

PAALALA: 

Tiyaking may laman ang tiyan bago kumain upang hindi makasugat ng tiyan at bituka

 

water lilies

BAYABAS (Psidium guajava L.)



(See also Stuartxchange.org)

DOH Recommended:

BAYABAS (Psidium guajava L.)

 

guayabas,kalimbahin, tayabas (Tag.) bagabas (Ig.); bayabo (Ibn.); bayawas (Bik., Pang.); biabas (Sul.); gaiyabat, gaiyabit (If.) geyabas (Bon.); guyabas (Ilk.)

 

 

PARA SA:

 

          Panlinis ng sugat, impeksyon sa bibig, magang gilagid, bulok na ngipin

 

 

PAGKILALA:

 

-                     isang uri ng puno na tumataas hangggang 4-5 metro

-                     namumulaklak ng kulay puti

-                     bunga ay bilog na may maliliit na buto at kinakain ng sariwa

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga buto

 

PAG-AALAGA:

 

-                     hindi nangangailangan ng lubos na pag-aalaga

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga murang dahon o talbos

-                     tiyaking walang mga insekto o kahit anong dumi ang mga dahon

 

PAGHAHANDA:

 

-                     hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin

-                     magpakulo ng 2 basong dahon sa 4 na basong tubig sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

 

 PAGGAMIT:

 

  • para sa sugat

      -                     ipanghugas ang pinaglagaang tubig 2 beses maghapon

 

  • pangmumog

     -                     gamitin ang maligamgam na pinaglagaan

  

 

PAALALA: 

Piliin lamang ang native na puno dahil ito lamang

ang dumaan sa pananaliksik.

 

Jun. 8th, 2007

water lilies

LAGUNDI (Vitex negundo L.)



(See also Stuartxchange.org )

DOH RECOMMENDED:

LAGUNDI (Vitex negundo L.)

 

Tugas (Ceb.); molave-aso, magupay (Sul.); dangla, lino-lino (Ilk.); dabatan (If.); lingei (Bon.); sagarai (Bag.); 5-leaved chaste tree (Engl.)

 

 

PARA SA:

 

          Hika at Ubo

 

 

PAGKILALA:

 

-                     palumpong (shrub) na may limang dahon at tumataas ng may 5 metro

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga pinutol na sanga na may kasamang 3 buko

-                     patulisin ang sanga at ibaon sa lupa na may kasamang isang buko

-                     ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo at diligan

-                     ilabas sa araw kapag may sibol na

 

PAG-AALAGA:

 

-                     diligan ang mga bagong tanim upang hindi matuyo

-                     alisan ng mga damo sa paligid

  

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon

-                     tiyaking may matitirang sapat na dahon sa halaman upang hindi mamatay

-                     tuyuing mabuti ang mga dahon

-                     ilagay sa bag na plastic o garapong may kulay at takpang mabuti

 

PAGHAHANDA:

 

-                     hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin

-                     magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)

-                     pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

 

PAGGAMIT:

 

-                     hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan

-                     inumin ang bawa’t bahagi sa umaga, tanghali, at gabi

-                     maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging nananakit

  

 

EDAD

KAILANGANG DAHON

Sariwa

Tuyo

 

Matanda

6 kutsara

4 kutsara

7 – 12 taon

Kalahati ng sa matanda (3)

Kalahati ng sa matanda (2)

water lilies

NIYUG-NIYOGAN (Quisqualis indica L.)



(See also Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:


NIYUG-NIYOGAN (Quisqualis indica L.)

 

balitadham,,pinones, pinion bonor (Bis.); bawe-bawe (Pamp.); kasumbal, talolong, tanglon, tangelo, tataraok (Bik.); tagaran, tagulo, tanolo, totoraok (Tag.); talulong (Ibn.); tartaran (Ilk.); taungon (Mbo.); Burma creeper, Chinese honey suckle, Liane vermifuge (Eng.)

   

PARA SA:

 

          bulateng askaris

 

 

PAGKILALA:

 

-                     palumpong ng gumagapang at tumataas hanggang 8 metro

-                     namumulaklak (pula, rosas, puti)

-                     bunga ay maliliit na korterng balimbing

-                     buto ay lasang laman ng niyog

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga pinutol na sanga o stem cuttings na may habang 20 sentimetro at may 3 buko

 

PAG-AALAGA:

 

-                     itanim ang sanga sa malilim na lugar

-                     ilipat sa permanenteng taniman pagkaraan ng 2-3 linggo

-                     mas mabilis tutubo kung nasisikatan ng araw

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na bunga (kung nagging kulay ginto na

-                     pahanginan upang matuyo

-                     ilagay sa garapon at takpang mabuti

 

PAGHAHANDA:

 

-                     gumamit lamang ng mga butong magulang, tuyo at kabubukas pa lamang na bunga

 

PAGGAMIT:

 

-                     kainin ang mga buto 2 oras pagkatapos ng hapunan

-                     kung hindi magkabisa sa unang gamit, ulitin ang parehong dosis pagkaraan ng 1 linggo

 

 

EDAD

 

KAILANGANG BUTO

Matanda

8 – 10

7 – 12 taon

6 – 7

6 – 8 taon

5 – 6

4 – 5 taon

4 - 5

 

 

 

PAALALA: 

mga hindi kanais-nais na epekto:  sinok, sakit sa tiyan, pagtatae

 

Jun. 7th, 2007

water lilies

ULASIMANG BATO (Peperomia pellucida)



(See also Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:


ULASIMANG BATO (Peperomia pellucida)

 

pansit-pansitan

 

 PARA SA:

 

          Pampababa ng “uric acid” sa dugo (rayuma, gout)

 

 

PAGKILALA:

 

-                     isang uri ng damo na makatas at hugis puso ng dahon

 

PAGTATANIM:

 

-                     nagkalat lamang

-                     maaaring itanim sa pamamagitan ng buto

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     siguraduhing malinis ang pinanggalingan ng mga dahon (malayo sa usok ng sasakyan at alikabok)

-                     anihin lamang ang mga malulusog na dahon

 

PAGHAHANDA / PAGGAMIT:

 

  • SALAD

        -                     hugasang mabuti ang mga dahon

-                     maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon (hindi siksik)

-                     hatiin sa 3 bahagi at kainin ang bawa’t bahagi sa umaga, tanghali at gabi

 

  • DEKOKSYON

        -                     hugasang mabuti ang mga dahon

-                     maghanda ng 1 ½ ng sariwang dahon at 2 basong tubig

-                     pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

-                     hatiin sa 3 bahagi at inumin ang bawa’t bahagi sa umaga, tanghali at gabi pagkatapos kumain

Jun. 6th, 2007

water lilies

SAMBONG (Blumea balsamifera (L.) DC.)


(Picture source, and more information at Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:


SAMBONG (Blumea balsamifera (L.) DC.)

 

Alibhon, alimony (P.Bis.); ayoban, bukadkad, gabuen, gintin-gintin, haliban, kambihon, lalakdan, lakdandulan (Bis.); dalapot (C. Bis.); labulan, sambun (Sul.); sob-sob (Ilk.); kaliban (Tag.); takamain (Bag.); blumea camphor, ngai camphor (Engl.)

 

PARA SA:

 

          -        manas (pampaihi)

-        pantunaw ng bato (anti-urolithiasis)

 

PAGKILALA:

 

-                     palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro

-                     may bulo ang dahon

 

PAGTATANIM:

 

-                     supling o suhi (plantlets):  bagong halamang tumutubo sa paligid ng pinakapuno, may 3 o higit pang dahon.

-                     Maingat na hukayin ang supling kasama ang ugat at itanim

 

PAG-AALAGA:

 

-                     ilagay sa malilim na lugar

-                     diligan at palagiang alisan ng damo

 

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon

-                     tiyaking may matitirang sapat na dahon ang halaman upang hindi mamatay

-                     tuyuing mabuti ang mga dahon

-                     ilagay sa bag na plastic o garapong may kulay at takpang mabuti

 

PAGHAHANDA:

 

-                     hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin

-                     magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)

-                     pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

 

PAGGAMIT:

 

-                     hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan

-                     inumin ang bawa’t bahagi sa umaga, tanghali, at gabi

-                     maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging nananakit

 

 

 

EDAD

KAILANGANG DAHON

Sariwa

Tuyo

 

Matanda

6 kutsara

4 kutsara

7 – 12 taon

Kalahati ng sa matanda (3)

Kalahati ng sa matanda (2)

 

 

PAALALA: 

hindi ito gamot sa impeksyon sa bato o ihi

 

water lilies

TSAANG GUBAT (Ehretia microphylla Lam.)




(PIcture source, and more information at Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:

                  TSAANG GUBAT (Ehretia microphylla Lam.)

Alibungog (Bis.); malatadiang (Gad); kalabonog, maragued (Ilk.); taglokot, talibunog, kalimunog, tsa (Tag.)

 

 PARA SA:

 

          sakit ng tiyan

 

 

PAGKILALA:

 

-                     isang uri ng palumpong (shrub) na tumataas hanggang 5 metro

-                     maliliit ang mga dahon na makintab at matingkad ang pagkaberde

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga pinutol na sanga na may haba na 20 sentimetro at may 3 buko

-                     mga buto

 

PAG-AALAGA:

 

-                     diligan araw-araw

-                     huwag pabayaang tubuan ng mga damo ang paligid

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon

-                     tiyaking may matitirang sapat na dahon sa halaman upang hindi mamatay

-                     tuyuing mabuti ang mga dahon sa pamamagitan ng pagpapahangin

-                     ilagay sa bag na plastic o garapong may kulay at takpang mabuti

 

PAGHAHANDA:

 

-                     hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin

-                     magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)

-                     pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

  

PAGGAMIT:

 

-                     hatiin sa 2 bahagi ang pinaglagaan

-                     inumin ang bawa’t bahagi tuwing ika – 4 na oras

 

 

EDAD

KAILANGANG DAHON

Sariwa

Tuyo

 

Matanda

4 kutsara

3 kutsara

7 – 12 taon

Kalahati ng sa matanda (2)

Kalahati ng sa matanda (1 1/2)

  

PAALALA: 

maari rin itong imumog upang tumibay ang ngipin

 


water lilies

YERBA BUENA (Mentha x cordifolia Opiz ex Fresen)

(Picture source, and more information at Stuartxchange.org)

DOH RECOMMENDED:

YERBA BUENA (Mentha x cordifolia Opiz ex Fresen)

 

hierba Buena, hilbas (Dav., Ley., Sam.); ablebana (If.); malipuen (Ak.) mint, peppermint (Engl.)

 

 PARA SA:

 

          Pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan

 

 

PAGKILALA:

 

-                     halamang gumagapang na amoy mint

-                     may apat na kanto ang tangkay at kulay berde

-                     dahon ay magkakatapat, magaspang at parang kulubot

 

PAGTATANIM:

 

-                     mga pinutol na sanga (stem cuttings) na may habang 10-15 sentimetro at 3-4 pares ng dahon

-                     nagsisitubo ang mga ugat sa loob ng isang linggo

 

PAG-AALAGA:

 

-                     diligan ang mga bagong tanim upang hindi matuyo

-                     alisan ng mga damo sa paligid

 

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

 

-                     anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon

-                     tiyaking may matitirang sapat na dahon sa halaman upang hindi mamatay

-                     tuyuing mabuti ang mga dahon

-                     ilagay sa bag na plastic o garapong may kulay at takpang mabuti

 

PAGHAHANDA:

 

-                     hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin

-                     magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)

-                     pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto

-                     huwag takpan ang palayok

-                     palamigin at salain

  

PAGGAMIT:

 

-                     hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan

-                     inumin ang bawa’t bahagi sa umaga, tanghali at gabi

-                     maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging nananakit

 

 

EDAD

KAILANGANG DAHON

Sariwa

Tuyo

 

Matanda

6 kutsara

4 kutsara

7 – 12 taon

Kalahati ng sa matanda (3)

Kalahati ng sa matanda (2)

Jun. 5th, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN PART I

OTHER PLANTS OF POTENTIAL MEDICINAL VALUE IN THE CIM HERBAL GARDEN BASED ON FOLKLORIC EXPERIENCE AND USAGE IN OTHER HEALING SYSTEMS AROUND THE WORLD

Below is the complete list of 80+ medicinal plants in the CIM Herbal Garden which have been known in Philippine folkloric experience, and other healing systems. We list the Tagalog names, followed by their scientific names. Each of these plants found in the CIM herbal garden are linked to an electronic database maintained by StuartXchange.com, which would give additional information on their other common names in other Philippine dialects, English names, botanical description, constituents, parts used, claimed medicinal properties, uses, and commercial availability.

INVENTORY OF PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN (August 12, 2005)

 Unang Bahagi:  Abukado - Atis  :
(With asterisk * DOH recommended)

Tagalog Name

Scientific Name

1.  Abukado

Persea americana

2.  Acacia

Samanea saman

3.  Achuete

Bixa orellana

4.  Adelfa

Nerium Indicum

5.  Agoho

Casuarina equisetifolia

6.  Akapulko*, katanda

Cassia alata

7.  Alas cuatro, Oraciones

Mirabilis jalapa

8.  Alibangbang

Piliostigma malabaricum

9.  Alugbati, Libato, Grana

Basella alba

10.  Amarillo

Tagetes erecta

11.  Ampalaya*

Momordica charantia

12.  Atis*

Anona Squamosa


GO BACK TO CIM GUIDE TO PHILIPPINE MEDICINAL AND AROMATIC PLANTS

 

Jun. 4th, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN PART II

Ikalawang Bahagi : Balete - Chili

Tagalog Name

Scientific Name

13.  Balete

Ficus elastica Nois

14.  Balimbing

Averrhoa carambola

15.  Bayabas*

Psidium Guajava

16.  Kasoy

Anacardium occidentale

17.  Banaba

Lagerstroemia speciosa

18.  Caimito

Chrysophyllum cainito

19.  Camantigui

Impatiens balsamina

20.  Campanilla

Thevetia Peruviana

21.  Chang-gubat

Ehretia microphylla

22.  Chico

Manikara zapota

23.  Chili, Siling labuyo

Capsicum frutescens


RETURN TO CIM GUIDE TO PHILIPPINE MEDICINAL AND AROMATIC PLANTS

Jun. 3rd, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN PART III

IKATLONG BAHAGI: DAMONG MARIA - KALAMANSI

Tagalog Name

Scientific Name

24.  Damong maria, Tinisas, Kamaria

Artemisia vulgaris

25.  Datiles, Aratiles

Muntingia calabura

26.  Duhat

Syzygium cuminii

27.  Guyabano

Annona Muricata

28.  Gulasinam, Makabling

Portulaca oleracea

29.  Gumamela

Hibiscus rosa-sinensis

30.  Ikmo, Itmo, Buyo-anis

Piper betle

31.  Ipil-ipil

Leucaena Leucocephala

32.  Kakaw

 

33.  Kalabasa

Cucurbita maxima

34.  Kalamansi

Citrus madurensis

Jun. 2nd, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN PART IV

IKA-APAT NA BAHAGI:  KALATSUTSI - KATURAI 

Tagalog Name

Scientific Name

35.  Kalatsutsi

Plumiera acuminata

36.  Kamachili, Kamansile

Pithecellobium dulce

37.  Kamatis

Lycopersicon lycopersicum

38.  Kamias, Iba, Kalamias, Kolonanas

Averrhoa bilimbi

39.  Kamote

Ipomoea batatas

40.  Kamoteng-kahoy

Manihot Esculenta

41.  Kangkong

Ipomoea aquatica

42.  Kasoy

Anacardium occidentale

43.  Katakataka

Kalanchoe pinnata

44.  Katurai

Sesbania grandiflora


GO BACK TO CIM GUIDE TO PHILIPPINE MEDICINAL AND AROMATIC PLANTS

Jun. 1st, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN PART V

IKA-LIMANG BAHAGI: KINTSAY - MANGA

Tagalog Name

Scientific Name

45.  Kintsay, Guichai

Apium graveolens

46.  Kogon

Imperata cylindrical

47.  Kutsay

Allium odoratum

48.  Lagundi *

Vitex negundo

49.  Luya

Zingiber officinale

50.  Madre de kakaw

Gliricidia sepium

51.  Mais

Zea mays

52.  Makabuhay

Tinosphora rumphii

53.  Makahiya

Mimosa pudica

54.  Malunggay

Moringa oleifera

55.  Manga, Mangang-kalabaw

Mangifera indica


GO BACK TO CIM GUIDE TO PHILIPPINE MEDICINAL AND ORNAMENTAL PLANTS

May. 30th, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN CIM HERBAL GARDEN PART VI



IKA-ANIM NA BAHAGI: MANSANILYA - SABILA

Tagalog Name

Scientific Name

56.  Mansanilya

Chrysanthemum indicum

57.  Manunggal

Quassia indica

58.  Langka

A. heterophylla

59.  Narra

Pterocarpus indicus

60.  Niogniogan, Tangolan

Quisqualis indica

61.  Niyog

Cocos nucifera

62.  Oregano

Coleus amboinicus

63.  Pandan

Pandanus amaryllifolius

64.  Papaya

Carica papaya

65.  Pansit-pansitan

Pepperomi pellucida

66.  Rosal

Gardenia jasminoides

67.  Sabila, Sabila-pinya

Aloe barbadensis


GO BACK TO CIM GUIDE TO PHILIPPINE MEDICINAL AND AROMATIC PLANTS

May. 29th, 2007

water lilies

DIRECTORY OF MEDICINAL PLANTS IN THE CIM HERBAL GARDEN PART VII


IKA-PITONG BAHAGI: SAGING - TALISAY

Tagalog Name

Scientific Name

68.  Saging

Musa humilis/sapientum

69.  Sambong*

Blumea balsamifera

70.  Sampaguita

Jasminum sambac

71.  Sampalok

Tamarindus indica

72.  Santan-pula, Santan

Ixora coccinea

73.  Santol

Sandoricum koetjape

74.  Sirihuelas, Sineguelas

Spondias purpurea

75.  Suba

C. grandis

76.  Takip-kohol, Tapingan-daga

Centella asiatica

77.  Talahib

Saccharum spontaneum

78.  Talisay

Terminalia catappa


GO BACK TO CIM GUIDE TO PHILIPPINE MEDICINAL AND AROMATIC PLANTS

Previous 20

Advertisement

Customize